Tiniyak kahapon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na nakalatag na ang seguridad para sa pagbubukas ng klase sa mga paaralan at unibersidad sa Metro Manila ngayong Lunes.

Sinabi ni NCRPO spokesperson Chief Insp. Kimberly Molitas, simula pa nitong Sabado ay nakaalerto na ang mga pulis at naglagay na rin ng mga Police Assistance Desk (PAD) sa labas ng mga eskuwelahan sa Kamaynilaan upang magbigay ng ayuda sa lahat ng estudyante na mabibiktima ng kawatan.

Pinaigting din ang pagpapatrulya ng mga pulis sa lugar malapit sa mga eskuwelahan.

Hinihikayat ni Molitas ang mga magulang at estudyante na sundin ang mga alituntunin sa mga paaralan upang maiwasang mabiktima ng mga kriminal.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Pinayuhan pa ng awtoridad ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak na estudyante na turuan kung sino ang mga dapat lapitan at alamin ang mga dapat hotline number ng pulisya upang mabilis itong makaresponde sa krimen.

Nitong mga nakaraang linggo, nakipagpulong ang NCRPO sa pamunuan ng mga paaralan sa Metro Manila para sa inilatag na security measure ng awtoridad.

Aabot sa 18,000 pulis ang ipinakalat ni NCRPO Director Joel Pagdilao sa Metro Manila upang tiyakin ang kaligtasan ng milyun-milyong estudyante na magbabalik-eskuwela ngayong araw. - Bella Gamotea