Nagtala ng malaking panalo si untitled Judith Pineda kontra Woman FIDE Master Samantha Glo Revita para makausad sa women’s class semifinals ng 2016 National Chess Championships kahapon sa Philippine Sports Commission National Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Unang binigo ng 21-anyos De La Salle University-Taft Sports Management Graduate ang dating co-leader na si Lucelle Bermundo sa ikalimang round.

Kailangan niyang manalo sa isa sa kanyang huling laban kontra 8th seed WFM Allaney Jia Doroy upang maiuwi ang championship trophy at maibulsa ang P7,000 top purse bukod pa sa slot sa Battle of the Grandmasters-NCC Grand Finals.

Tangan niya ang 5.5 puntos matapos ang anim na round, may 1.5 puntos na bentahe kina No.7 WFM Samantha Glo Revita ng Rosales, Pangasinan, No.4 Mary Israel Palero at Bermundo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang sa tinalo ni Pineda sina 11th seeded Marife dela Torre (1st round), 13th seeded Bea Mendoza (2nd rd.) at fifth seeded Arvie Lozano (4th rd.). Naka-draw sa kanya sa third round si sixth seeded Geraldine Guyo. - Angie Oredo