Inaayos na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga kailangang dokumento para sa agarang repatriation ng labi ng isang Pilipina domestic helper na nabundol ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Milan, Italy, nitong Sabado.

Kinilala ang nasawing overseas Filipino worker (OFW) na si Myrna Reyes, isang kasambahay, na nagtamo ng malaking sugat sa ulo makaraang mabagok sa kalsada dahil sa aksidente.

Ayon sa ulat, galing sa trabaho ang Pinay at naglalakad pauwi nang biglang mahagip ng SUV sa Milan.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon at nabagok sa sementong kalsada si Reyes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isang oras makaraang isugod sa ospital, binawian ng buhay si Reyes dahil sa internal bleeding.

Samantala, tiniyak ng OWWA na tatanggap ng cash incentive at livelihood assistance ang asawa ni Reyes.

Ayon sa OWWA, ang mga miyembro nitong OFW ay makatatanggap ng P200,000 para sa death assistance sakaling masawi dahil sa aksidente at P20,000 burial benefit. - Bella Gamotea