LEGAZPI CITY – Matibay ang paninindigan ng Albay laban sa pagmimina, paninigarilyo at paggamit ng plastik sa nakalipas na siyam na taon para protektahan ang kalikasan at kalusugan ng mamamayan.

Kasabay nito, pinalawak ang kakahuyan ng kagubatan sa 53,000 ektarya noong 2015 mula sa 6,300 ekytarya lamang noong 2003.

Idineklara kamakailan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Albay bilang World Biosphere Reserve, kasama ang 257,000 ektaryang lupain at tubigan nito na pinasusulong pa ng mga programa at estratehiya ni outgoing Gov. Joey Salceda.

At ngayong Biosphere Reserve na ang Albay, sinabi ng gobernador na lahat ng uri ng pagmimina ay makasisira sa likas-yaman, na umaakit ng libu-libong turista at nagpapalago sa ekonomiya ng lalawigan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Noong 2015 umabot sa 1,417,646 na turista ang dumagsa sa Albay, na nabuslo naman ang $1-million CEO Challenge ng Pacific Asia Travel Association bilang isang “global new frontiers destination.”

Simula nang mahalal na gobernador noong 2007, ipinatigil na ni Salceda ang lahat ng pagmimina sa Albay na nagpasigla sa turismo ng lalawigan.