CABANATUAN CITY - Patay na nang idating sa pagamutan ang isang 22-anyos na binata makaraang aksidenteng makuryente habang nagtatrabaho sa isang ginagawang gusali sa Honorato C. Perez Sr. Memorial Science High School sa lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Noven Orena, ng Batangay Atate, Palayan City.

Ayon sa imbestigasyon, hawak ng biktima ang isang electric

vibrator nang bigla itong makuryente habang nagtatrabaho dakong 4:00 ng hapon nitong Biyernes.

Probinsya

Iloilo City Vice Mayor, nabaril sarili niya sa tiyan

Naisugod pa ang biktima sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center pero binawian na ito ng buhay.

(Light A. Nolasco)