Ni ADOR SALUTA
MARAMING nakakapansin sa pagiging blooming ni Miles Ocampo sa Home Sweetie Home sitcom with John Lloyd Cruz, Toni Gonzaga, at marami pang ibang komedyante.
“She has grown so beautiful lady,” ayon sa email message na ipinadala ng avid HSH viewer na si Mrs. Rinosa Capitin ng Rancho Grande, Marikina City.
Napapansin daw nila na habang nagdadalaga, gumaganda at uma-aura ang young actress.
Kaya’t tinatanong kami kung meron raw ba siyang boyfriend o manliligaw? Si Miles ay 19 years old na ngayon.
Sa isang panayam ni Miles sa Push Team, kanyang sinabi na wala pa sa isipan niya ang makipagrelasyon kahit pa maraming bagets ang nanliligaw sa kanya.
Ang priority ngayon ni Miles ay ang pag-aaral. Sa kasalukuyan, siya’y kumukuha ng Theater Arts sa University of the Philippines.
“For me, ‘yun po ang pinakaimportante sa lahat na meron kang hawak-hawak na diploma,” buong ningning niyang sabi.
Kaya’t gustuhin man niyang tugunan ang gaya niyang bagets na nagkakaroon ng boyfriend, sinisikil niya ang kanyang damdamin.
Paliwanag ni Miles, “Meron naman pong nanligaw sa akin at alam po ng parents ko kasi pumupunta siya sa house pero personally ako rin po siguro ‘yung ayaw talaga. ‘Yung thought lang na parang may work ka, tapos nagi-school ka tapos meron ka pang isang responsibility na kailangan pang isipin parang hindi ko pa siya kaya,” kanyang dahilan.
Sabi pa ni Miles, mahirap daw balansehin ang pagtatrabaho at pag-aaral at itong huli ang siya niyang priority, ang makatapos ng pag-aaral.
“Mahirap siya talaga, kailangan talaga meron kang dedication. Kasi ever since bata pa ako—nag-artista six years old ako—never akong nag home study talaga. Kasi parang for me mas mahirap yun kasi ikaw lang isa ang mag-aaral. Pagtinamad ka wala, tinamad ka. Mas maganda pa rin na lumaki kang paano lumaki ang isang normal na bata.”
Ngayong nasa tamang edad na siya, naitanong sa young actress kung kaya na niyang sumabak sa mga mature roles, o roles that requires kissing scenes?
“Siguro more mature roles pero hindi naman super kissing scenes like that. Pero siguro mas ‘yung ready ka na to explore new roles. Siguro for me parang ang hirap naman sabihin na meron kang dream role kasi pag pag merong ibinigay sa ‘yo tapos bago yung feel parang ay ang saya pala nitong gawin.
“Pero siguro ang dream ko gusto kong maging parang pipi sa isang role kasi parang ang hirap po nong puro emotions lang ang ipakita,” kanyang paliwanag.