Nangako si Chief Supt. Ronald dela Rosa, incoming chief ng Philippine National Police (PNP), na gagawa ito ng hakbang upang mapabilis ang proseso sa pagre-renew ng lisensiya ng baril.

Ayon kay Dela Rosa, kasado na ang decentralization ng pagpoproseso ng lisensiya ng baril upang maengganyo ang mga gun owner na mag-renew.

“Ito ang inihayag na ni Mayor (President-elect Rodrigo Duterte). Ayaw niyang nahihirapan ang mga aplikante sa mahabang pila,” sambit ni Dela Rosa.

“Kung kuwalipikado silang maging may-ari ng armas, bakit mo sila paghihintayin at pahihirapan?” dugtong pa ng PNP chief.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil dito, puntirya ng susunod na liderato PNP na pabilisin ang pagpoproseso ng gun license sa mga police regional office upang hindi na magtungo sa Camp Crame ang mga gun owner na nakatira sa lalawigan.

Samantala, pinapurihan ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD) ang hakbang ng administrasyong Duterte na pabilisin ang proseso.

Itinuring ni AFAD President Atty. Hector Rodriguez ang posisyon ni Duterte sa pagbibigay ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) bilang “positive development” hindi lamang para sa mga lehitimong gun owner kundi maging sa mga komunidad na hangad ay kapayapaan.

“The licensed firearms holders can be a multiplier force in maintaining peace and order in their respective community,” paliwanag ni Rodriguez. - Aaron Recuenco