Sumugod kahapon, mismong Araw ng Kalayaan, ang grupo ng Iglesia Ni Cristo Dependers (INCD) sa tanggapan ng Quezon City Police District Press Corps (QCPDPC) upang kondenahin ang panggigipit ng INC Sanggunian sa itiniwalag na anak ng yumaong si Executive Minister Erano Manalo na si Angel Felix Nathaniel Manalo.

Kasabay nito, umapela naman sa Commision on Human Rigths (CHR) ang ibang kasamahan ng grupo dahil pinigilan sila ng security guard na bigyan ng pagkain at tubig si Angel na may isang taon nang itiniwalag ng INC.

Ayon sa ilang kasapi ng INCD, pinutulan na ng linya ng tubig at kuryente ang bahay ni Angel sa compound ng INC, sa Barangay Central, Quezon City kung saan nakatira ang kanyang mga anak, pamangkin, at apo, pati mga kasambahay ay apektado rin ng panggigipit ng kasalukuyang pamunuan. - Jun Fabon

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'