Malaki ang maitutulong sa bansa na maging host sa Manila Major bilang susunod na bida pagdating sa eSports at video game development sa mundo.

“I think this is just the beginning. The whole world is getting to see that the Philippines is a player in the eSports scene,” ayon kay Sen. Bam Aquino.

Ang ikatlong event sa Dota Major Championships ng Valve, tampok sa Manila Major ang 16 na international team na maglalaban para sa kabuuang premyo na $3 million at puwesto sa The International 2016 na gagawin sa Seattle, Washington sa Hulyo.

“There are only four of these events every year and we get to host it. I’m hoping that this will be a yearly event, leading up to the biggest competition in the United States. Hopefully, this will be a permanent stop,” sambit ni Sen. Bam. - Leonel Abasola

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal