Pinasalamatan na ni outgoing Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje ang kanyang mga tauhan sa suportang ipinagkaloob ng mga ito sa kanyang panunungkulan.

Sa ika-29 na anibersaryo ng DENR, kinilala ni Paje ang mahahalagang kontribusyon ng mga opisyal at tauhan ng ahensiya na naging susi sa matagumpay na mga programa sa loob ng anim na taon.

"You have supported this department beyond what you can. We have shown that not only do we do our best. We better our best," ayon kay Paje.

Sa naturang okasyon, nagkaroon din ng thanksgiving mass at salu-salo ang mga opisyal at tauhan ng ahensiya gayundin ang ilang panauhin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa ilalim ng panunungkulan ni Paje, nakumpleto nito ang Cadastral Survey Program ng pamahalaan at nakapagtanim ng mga puno sa lawak na 1.3 milyong ektarya noong Disyembre 2015 sa ilalim ng National Greening Program (NGP).

"In 2010, 97 years after the Cadastral Survey Program started, the program was only 46% complete. In six years, we have completed the remaining 54%. The whole country has been surveyed. The program is now completed," dagdag ni Paje.

Ayon kay Paje, ang NGP ay inaasahang makukumpleto sa pagtatapos ng 2016. - Jun fabon