BEIRUT (AP) - Isang napakalakas na bomba ang sumira sa mga sasakyan sa Beirut at nagdulot ng matinding pinsala sa isa sa pinakamalalaking bangko sa Lebanon, habang isang tao ang nasugatan nitong Linggo.

Ayon sa National News Agency, ang bomba ay inilagay sa ilalim ng isang sasakyan. Kinumpirma ni Lebanese Interior Minister Nohad Machnouk, sa pakikipag-usap sa pribadong LBC station, ang insidente ngunit hindi tinukoy kung may pinupuntirya ang suspek sa pagpapasabog.

Sumabog ang bomba ilang minuto matapos simulan ng mga residente ang iftar, ang pagkain sa maghapong pag-aayuno ng mga Muslim para sa Ramadan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'