Hunyo 13, 1895 nang isagawa sa France ang unang automotive race sa buong mundo. Nagawang matapos ni Emile Levassor ang 732-mile course mula sa Paris patungong Bordeaux at bumalik muli sa Paris sa layong 15 milya kada oras, wala pang 49 na oras.

Ginamit niya ang sasakyang Panhard et Levassor, at hindi siya huminto o natulog.

Kinumbinse si Levassor ng Belgian engineer na si Edouard Sarazin na bumuo ng isang high-speed engine para sa Daimler, isang German auto manufacturing firm. Bumuo si Levassor ng isang sasakyan na ang makina ay nakakabit patayo sa harapan ng chassis, noong 1891. Sa pamamagitan ng mechanical transmission, malayang pumili ang driver na mamili ng kanyang bilis sa pagpapatakbo ng sasakyan.

Taong 1894, isang predecessor event ang idinaos bilang isang “parade” sa pagitan ng Paris at Rouen.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'