Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang isang kilabot na lider ng Abu Sayyaf Group (ASG), na sangkot umano sa serye ng kidnapping sa Zamboanga Peninsula, sa ikinasang operasyon laban sa mga bandido sa Naga, Sibugay.

Kinilala ni Western Mindanao Command (WesMinCom) spokesman Maj. Filemon Tan Jr. ang naarestong suspek na si Abner Muloc, alyas “Commander Red Eye.”

Dinampot si Muloc ng mga elemento ng Joint Task Force ZAMPELAN at pulisya sa Barangay Kaliantana, Naga, Sibugay, kahapon ng umaga.

Ayon sa militar, si Muloc ay may direktang kinalaman kay ASG sub leader Idang Susukan na nasa likod din ng serye ng kidnapping sa Zamboanga Peninsula.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Muloc ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest bunsod ng papel na ginampanan nito sa pagdukot sa Italyanong pari na si Rolando del Torchio.

Ang 57-anyos na pari ay dinukot ng armadong kalalakihan sa loob ng Pizza Pie House sa Miputak, Dipolog City noong Oktubre 7, 2015.

Pinalaya ng mga bandido si Del Torchio sa Jolo, Sulu, noong Abril 8. - Nonoy E. Lacson