Aabot sa dalawampu’t limang estudyante ang inaasahang dadagsa sa mga paaralan sa pagbubukas ng klase ngayong araw (Hunyo 13), iniulat ng Department of Education (DepEd).

Kasabay nito, iuukit nina outgoing DepEd Secretary Br. Armin Luistro at incoming Secretary Dr. Leonor Briones ang makasaysayang pagbabalik-eskuwela nang magkasabay na bibisita sa mga paaralan ngayong araw.

Personal na pangungunahan ang pagbubukas ng 2016-2017 school year, taon din ng full implementation ng Kto12 program, sa pagbisita sa Commonwealth High School, sa Barangay Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa DepEd nasa 1.2 milyong Grade 11 ang unang batch ng SHS.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Inaasahan ng DepEd na magiging maayos at mapayapa ang pagbubukas ng klase sa tulong ng iba’t ibang sangay ng gobyerno at pribadong sektor kung saan inilatag ang paghahanda para sa seguridad at pagtiyak na sapat ang gamit sa paaralan na isinagawa sa Brigada Eskuwela. - Mac Cabreros