MINNEAPOLIS (AP) — Hindi makakasama si Andrew Wiggins sa kampanya ng Canada sa Olympic qualifying tournament sa Hulyo.

Ayon kay Wiggins, top rookie pick sa 2014 NBA drafting, na pagtutuunan niya ng pansin ang paghahanda sa Minnesota Timberwolves para sa pagbubukas ng season.

Aniya, nais niyang sandigan ang Wolves na makapasok sa playoff matapos ang kabiguan sa nakalipas na 12 taon.

“As my third NBA season approaches, I understand my increased role with the Timberwolves and dedication to the upcoming season must have my total focus,” pahayag ni Wiggins.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“We are building a championship contending team, which has always been my goal. This was definitely not an easy decision and I fully support and wish Team Canada nothing but success this summer.”

Mananatili namang bukas ang pintuan ng Canada Team kay Wiggins kung naisin nitong maglaro sa Rio Games kung sakaling makalusot ang Canada sa qualifying meet.