LOUISVILLE, Kentucky (AP) — Walang bahid ng kalungkutan ang kaganapan sa memorial service ng tinaguriang “The Greatest” matapos magbigay ng mensahe ang mga kaanak at malalapit na kaibigan ng yumaong Muhammad Ali.

Sa huling pagkakataon, sinulyapan ng kanyang mga kababayan, kapit-bahay at mga nilalang na nabigyan ng inspirasyon at tulong ang mga labi ng kampeon nang iparada ito sa lansangan kung saan nagsimulang matutong magboksing ang three-time world heavyweight champion nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

“He was a tremendous bolt of lightning, created by Mother Nature out of thin air, a fantastic combination of power and beauty,” pahayag ng comedian na si Billy Crystal na sinalubong ng halakhak mula sa mahigit 15,000 katao na nakapasok sa Yum Center.

Ang tatlong oras na patotoo sa kabutihan at kadakilaan ni Ali ang huling programa para sa halos isang linggong pagluluksa sa pagpanaw ng ipinapalagay na pinakabantog na nilalang sa mundo.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Pumanaw ang 74-anyos na si Ali bunga ng kumplikasyon sa na Parkinson’s.

Sa labas kung saan nakahilera ang mahigit 100,000 katao na pawang may hawak na placards at patuloy sa paghiyaw ng “Ali! Ali!” magkahalong lungkot at kasiyahan din ang nadarama ng bawat isa nang iparada na ang mga labi ni Ali patungo sa Louisville’s Cave Hill Cemetery.

“He stood up for himself and for us, even when it wasn’t popular,” sambit ni Ashia Powell.

Nagbigay din ng kani-kanilang pahayag sina dating pangulo Bill Clinton, Sen. Orrin Hatch, director Spike Lee, dating NFL great Jim Brown, Arnold Schwarzenegger, soccer star David Beckham, Whoopi Goldberg, at basketball legend Kareem Abdul-Jabbar.

“I can just hear Muhammad say now, ‘Well, I thought I should be eulogized by at least one president,’” pahayag ni Clinton.