Halos 100 porsiyento nang natatapos ng Commission on Elections (Comelec) at National Movement for Free Elections (Namfrel) ang isinasagawa nilang random manual audit (RMA) sa katatapos na eleksiyon.

Ginagawa ang RMA upang maberipika ang accuracy rate ng vote counting machines (VCMs) na ginamit noong nakalipas na eleksiyon.

Ayon kay Comelec Commissioner Luie Guia, sa ngayon ay 678 clustered precinct na, o 94.83 porsiyento ng kabuuang 715 clustered precinct, ang naisailalim na sa random manual audit.

Sa inisyal na resulta, lumilitaw, aniya, na nakapagtala ang mga VCM ng 99.8% accuracy rate o halos 100 porsiyentong tama ang pagbibilang sa mga boto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iniulat naman ng Comelec na ilang election returns ang nawawala sa 14 na clustered precinct, ngunit tiniyak na iimbestigahan nila ito upang alamin kung saan ito napunta.

Ilalabas ang opisyal na ulat ng Comelec at Namfrel hinggil sa RMA dalawang linggo mula ngayon. (Mary Ann Santiago)