Asahan na ng mga motorista ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo na posibleng ipatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong linggo na sasalubong naman sa milyun-milyong estudyante na magbabalik-eskuwela bukas.

Sa pagtaya ng oil industry sources, posibleng tumaas ng 20 hanggang 30 sentimos ang presyo ng kada litro ng diesel at 10 hanggang 15 sentimos ang dagdag sa presyo ng kerosene.

Samantala, inaasahan din ang 20 hanggang 35 sentimos na rollback sa presyo ng gasolina.

Ang nagbabadyang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Noong Hunyo 7, nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa pangunguna ng Phoenix Petroleum Philippines kung saan nagtaas ng 15 sentimos sa presyo ng diesel, kasabay ang kaparehong tapyas-presyo sa gasolina habang walang paggalaw sa presyo sa kerosene. (Bella Gamotea)