Maine copy copy

KINILIG at teary-eyed ang AlDub Nation sa panonood ng kalyeserye noong Friday dahil tinupad na ni Maine Mendoza ang pangako niya kina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) na may ipagtatapat siya. 

Beast mode si Lola Nids nang sabihin ni Maine na may ginawa siya, sigaw agad siya na hindi pupuwede iyon. Sabi ni Alden, wala raw ginawang masama si Maine, hayaan daw itong magkuwento. Kaya nakalma rin si lola nang sabihin ni Maine na may ginawa siyang lyrics ng song na binasa niya sa mga lola habang titig na titig na nakikinig si Alden. 

Heto ang ilang lines ng song na sinulat ni Maine:

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“All my life I was dreaming...

All my life I was searching...

All my life I was seeking... for someone I can call my own.

Then you arrived all of a sudden...

Without a warning it was you that I saw...

Without a warning it was you who came...

You came right when I did not know what to say...

You could have been lost but here you are saved don’t you ever go astray...

What I would give to make you feel okay I would give it all away! By: @mainedcm

“Hayan po lola, saka na lang po ang buong lyrics ng song. Iyan po ang magiging theme song ng movie naming ginagawa ni Alden,” patuloy na kuwento ni Maine. “Si Bossing Vic (Sotto) raw po ang maglalapat ng music at ang musical arrangement gagawin ni Jimmy Antiporda.”

Sino ang kakanta ng theme song, tanong ni Lola Nids.

“Ako raw po,” sagot ni Maine.

Untitled pa ang theme song, at tiyak na kung ano ang title nito ay siyang magiging final title ng movie na dinidirek ni Mike Tuviera for APT Entertainment at GMA Films.

Maraming fans ang nagsasabing feel nilang galing sa puso ni Maine ang lyrics, at siyempre pa para kay Alden ang bawat linya noon. Biro pa ni Ryan Agoncillo na nasa panel ng hosts ng Eat Bulaga, dapat daw ang music ay kasing lagkit ng titig ni Alden na hindi inaalis ang tingin kay Maine habang binabasa nito ang lyrics ng song.

Ibig sabihin, ito ang magiging first recording session ni Maine at hindi kami magtataka kung igagawa ito ng separate single ng GMA Records. Matagal na kasi itong niri-request ng mga AlDub Nation, na makagawa ng sariling album si Maine or magkaroon sila ng duet sa third album na ginagawa ni Alden sa GMA Records. (NORA CALDERON)