MILAN (Reuters)— Kinumpirma ng coast guard ng Italy na aabot sa 1,348 migrante ang kanilang iniahon sa dagat sa 11 rescue operation sa pagitan ng Sicily at North Africa, dahilan upang madagdagan ang mga taong nasagip sa nakalipas na tatlong araw. Aabot na sa 3,000 na ang mga ito.

Dalawang libong katao ang nailigtas nitong Huwebes nang magsagawa ang coast guard ng operasyon.

Halos 50,000 migrante ang natagpuan sa baybayin ng Italy ngayong taon, halos 10 porsiyentong mas mababa noong nakaraang taon, ayon sa Interior Ministry.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture