TALAVERA, Nueva Ecija – Hindi pa tukoy ng Talavera Police ang motibo sa pagpaslang sa isang maghipag na pinagbabaril makaraang padapain ng apat na armadong lalaki municipal road na sakop ng Purok 4, Barangay Marcos sa bayang ito, nitong Biyernes ng hapon.

Sa spot report na ipinarating ni Supt. Leandro Novilla, bagong hepe ng Talavera Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang mga nasawi na sina Pedro Santos y Baguio, 45, tricycle driver; at Sheryl Paraiso-Santos, 31, kapwa residente ng nasabing lugar na may mga tama ng bala sa katawan at sa iba pang bahagi ng katawan.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Marvin Verde, dakong 3:30 ng hapon nang mangyari ang pamamaril.

Minamaneho ni Santos ang tricycle at sakay doon si Sheryl at tatlo nitong anak nang isang pulang kotse, na hindi naplakahan, ang humarang at pinababa ang dalawa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Inutusan ang mga biktima na dumapa at pinagbabaril.

Hindi naman sinaktan ang tatlong batang anak ni Sheryl. (Light A. Nolasco)