gilas copy

Mananatili sa bansa si Iranian star Mohammad Jamshidi para subukan ang katatagan sa PBA.

Kinuha ng Meralco Bolts ang serbisyo ni Jamshidi bilang Asian import ng koponan sa gaganaping PBA Governor’s Cup.

Ang malawak na karanasan sa international competition at ang katatagan sa depensa ang nakatawag ng pansin sa Bolts para kunin ang serbisyo ng Iranian forward na nagpamalas ng kahusayan sa huling exhibiton game laban sa Gilas Pilipinas kamakailan.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Nakapasa na sa itinakdang height limit na 6-foot-3 ang Iranian forward matapos masukat sa taas na 6-foot-2 3/4.

Ang 24- anyos na si Jamshidi ay miyembro ng Iran national team sa nakalipas na limang taon at beterano sa Iranian Super League. (Marivic Awitan)