Enchong at Kiray copy

NAGPAPASALAMAT si Enchong Dee kay Mother Lily Monteverde na kinuha siyang leading man ni Kiray Celis sa I Love You To Death kasabay sa pagdiriwang niya ng 10th anniversary sa showbiz at ikasampung pelikula rin niya ito.

Kung nahirapan si Kiray sa kissing scenes nila, ganoon din pala si Enchong.

“Paulit-ulit kami, eh. Kasi, nu’ng una, hindi niya makuha. Parang naiiyak na siya kasi hindi niya magawa, eh.Naiiyak na siya na parang gusto na niyang matapos. Hindi lang siya sanay, eh,” seryosong kuwento ng binata.

Kahayupan (Pets)

Furbaby na nag-iinarte sa dog food, kinagiliwan

Natatawa na nga lang daw siya kay Kiray kasi inaalaska na ito ng staff pero ayaw na lang niyang ipahalata para raw maging kampante ang dalaga sa kanya.

 

“Medyo awkward nu’ng si­mula, kasi, di ba? Kasi magkaiba kami ng gene­ration, magkaiba kami ng height, pero nu’ng medyo nakapa na namin, ‘yung... mapapanood n’yo, ‘yun na siguro ang pinaka-perfect,” sabi ng aktor.

Naintindihan daw ni Enchong si Kiray dahil nasubaybayan niya itong lumaki sa bakuran ng ABS-CBN simula Goin’ Bulilit days kaya alam niyang hindi sanay sa mga ganu’n eksena ang komedyana.

“Knowing Kiray, kumbaga ’yung mga proyektong ginawa niya, hindi naman romantic, so, bilang ako naman ’yung may experience sa ganu’ng proyekto, I need to guide her, so, when the time na nao-awkward na siya, ‘tapos inaasar na siya ng crew, hindi ako nagre-react siyempre. I need to show her na nandu’n ako to support her and I’m her leading man that will guide her,” pahayag ng aktor.

So, nagpakakuya muna si Enchong kay Kiray?

May tsikang hinipuan daw siya ni Kiray.

“Okay lang naman. Matakot ako kung si Kiray na, hindi pa ako hinipuan. In return, pinipisil ko rin ang puwet niya,” napangiting sabi ng aktor.

Samantala, biniro namin si Enchong na hindi pala niya kayang pagsabayin ang career at lovelife dahil sa dalawang taon nila ng ex-girflriend niyang si Samantha Lewis ay ito rin ang mga panahong nawala siya sa showbiz.

“Hindi naman, ako rin naman ang may gusto kasi tanda mo ‘yung tatlong taong sunud-sunod na hindi ako nawalan ng show? Parang feeling ko, wala na ba akong panahon sa sarili ko? Ito lang ba ang gusto kong gawin? Parang naging routine, kaya sabi ko, gusto ko munang magpahinga at gawin ko naman ‘yung gusto ko.

“So sa two years, nagawa ko naman, nag-business ako, di ba? ‘Yung building, so okay na, ‘tapos may dalawang franchise na ako ng Peri Peri Chicken sa UP Town Center at Megamall ‘tapos may iba pa, so iyon naman ang pinagkaabalahan ko,” paliwanag ng aktor.

At ngayong magseselebra si Enchong ng 10th anniversary niya sa showbiz ay sunud-sunod naman ang blessings sa kanya ngayon tulad nitong movie nila ni Kiray, new teleserye soon at ang AgriCOOLture program niya sa Knowledge Channel na mapapanood na sa Hunyo 19. (Reggee Bonoan)