Lagda na lamang ni President Aquino ang hinihintay sa panukalang nagkakaloob ng parangal sa Filipino centenarians o mga Pilipinong nasa edad 100 pataas at pagbibigay rin ng dagdag na benepisyo at pribilehiyo sa mga ito.

Ang “Centenarians Act” ay ipinadala na sa tanggapan ng Pangulo upang kanyang malagdaan matapos aprubahan sa Kamara ang Senate Bill 449 noong Mayo 23, 2016.

Kinikilala ng nasabing panukala ang pambihirang biyaya ng mga centenarian at ang kanilang mga naiambag para sa ikabubuti ng bansa. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer