Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

2 n.h. NU vs. Ateneo

4 n.h. Arellano vs. La Salle

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

NCAA o UAAP? Anong liga ang mangigibabaw sa paghaharap ng Arellano University at La Salle sa winner-take-all championship ng 2016 Fil-Oil Flying V Preseason Premier Cup ngayon sa San Juan Arena.

Malalaman ang kasagutan sa rambulan ng Chiefs at Green Archers sa champion match sa 4:00 ng hapon.

Naikasa ang title duel nang manaig ang Arellano at La Salle sa kani-kanilang karibal sa knockout semifinals nitong Biyernes.

Tinalo ng Chiefs ang National University Bulldogs,94-85, habang muling ginapi ng Archers ang Ateneo Blue Eagles, 92-77.

“We will try our best to contain their leading scorer Jeric Teng and Ben Mbala,” pahayag ni Chiefs coach Jerry Codiñera, naghahangad na makumpleto ang makasaysayang kampanya ng Arellano na sumabak sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na 10 taon ng liga.

Ngunit maliban kina Teng at Mbala, inaasahan ni coach Alden Ayo ang pag- step- up ng kanilang mga guard bilang pantapat sa pambatong tandem ng Chiefs na sina Gilas cadet Jiovani Jalalon at Ken Salado.

Sa panig naman ng Chiefs, kailangan muli ang pagsuporta ng mga big guys na sina Lervin Flores at Allen Enriquez Kay Dioncee Holts para sa misyon nilang mapigil si Mbala.

Mauuna rito,magtutuos naman ang Bulldogs at ang Blue Eagles para ikatlong puwesto. (Marivic Awitan)