Umabot sa mahigit 6,000 mag-aaral mula sa mga barangay ng District 1 hanggang District V1 ang nakatanggap ng libreng school supplies na ipinagkaloob ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa ilalim ng kanyang proyektong Joy of Public Service (JPS).

Isinagawa ang pamamahagi ng school supplies, gaya ng bag, papel, notebook, lapis, krayola, pencil case, sa mga covered court ng Barangay Kamuning.

Ayon kay Belmonte, taunang isinasagawa ang programa upang makatulong sa mga gastusin ng mga magulang sa pagpapaaral ng kanilang mga anak. (Jun fabon)

Tsika at Intriga

Ogie may banat, ginamit 'modus' ng mga naka-school uniform na nagtitinda ng sampaguita