Mga laro ngayon

(Rizal Memorial Baseball Field)

8 n.u. -- Unicorns vs DLSU

10 n.u. -- Thunderz vs ADMU-B

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Tatangkain ng Unicorns at Thunderz na makalapit sa inaasam na kampeonato sa pagsagupa sa matitikas na karibal sa quarterfinals ng 2016 PSC Commissioners Baseball Cup ngayon, sa Rizal Memorial Baseball Field.

Haharapin ng Unicorns ang De La Salle ganap na 8:00 ng umaga, bago sundan ng sagupaan sa pagitan ng Thunders at Ateneo De Manila sa ganap na 10:00 ng umaga.

Winalis ng Unicorns na binubuo ng pinagsamang dating miyembro ng magkaribal na ADMU Blue Eagles at DLSU Green Archers ang apat na laro sa eliminasyon sa Group B tungo sa quarterfinal, habang nabitbit ng reigning UAAP champion DLSU ang 3-1 karta para sa ikalawang puwesto sa Pool D.

Inokupahan naman ng ADMU-B ang top spot sa Pool B bagamat nakatabla nito sa 3-1 ang DLSU at ang Philippine National Games (PNG) champion Rizal Technological University bunga ng mas mataas na tie-break quotient.

Sasagupain ng Ateneo B na binubuo ng mga baguhang Filipino-American baseball player ang beteranong koponan na binubuo ng mga ex-pats na Thunderz na pumangalawa sa Pool B matapos itala ang 3-1 marka.

Nauna nang tumuntong sa semifinals ang nagtatanggol na kampeong Philippine Air Force na binigo ang University of Santo Tomas, 5-1, gayundin ang IPPC Hawkz na pinatalsik ang National University Bulldogs, 6-3. (Angie Oredo)