ANG unang sulyap sa pagbabalik ng Encantadia ay magaganap na ngayong Sabado at Linggo (June 11 at 12) sa Toycon 2016 + Poplife Fanxperience na gaganapin sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Abangan ang pinakahihintay na telefantasya ng Kapuso Network sa isang ground breaking debut kasama ang lead stars nito na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez and Glaiza de Castro Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez and Glaiza de Castro bilang mga Sang’gre na sina Amihan, Alena, Danaya and Pirena.

Bukod sa apat na Sang’gre, makakasama rin sina Rocco Nacino, Ruru Madrid, Rochelle Pangilinan, Vaness del Moral, Pancho Magno, Buboy Villar, Carlo Gonzalez, Kate Valdez,Mikee Quintos, James Teng, Klea Pineda, Migo Adecer at Solenn Heussaff para sa isang up close and personal encounter ng participants ng ToyCon suot ng ilan ang kanilang Encantadia constumes.

Ang director ng Encantadia na si Mark Reyes at ang lead visual designer na si Noel Flores ay dadalo rin.

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Ang GMA Network ang exclusive TV media partner ng ToyCon ngayong taon. Bibisita rin dito ang international artists tulad nina Dean Cain, Kristian Nairin, Mario Maurer and Daniel Logal.

Sa pamamahala ng The Asian Comics, Toys and Hobbies Collective Inc., ang ToyCon ang pinakamalaki at longest-running convention para sa mga collectibles, toys, games, movies, cosplay, at anime.