Handa na ang Philippine Powerlifting team sa pagsabak sa 2016 World Classic Powerlifting Championships sa Killeen, Texas, USA, sa Hunyo 19-26.

Pangungunahan ang koponan ng 2015 World Women’s Sub-Junior Powerlifting Championships quadruple bronze medalist na si Joan Masangkay na kakasa sa women’s 43-kilogram class.

Ginagabayan si Masangkay sa training ng kanyang mga coach na sina Cirilo Dayao at Ramon Debuque para sa kumpetisyon kung saan makakatapat niya ang pinakamalalakas na powerlifters sa mundo.

Ilan sa makakalaban niya sina world No. 1 Alina Chashchyna ng Belarus, world No. 2 Brianna Morrison ng Estados Unidos, at world No. 3 Olga Volynskaia ng Russia pati na rin ang kababayan at world No. 4 na si Veronica Ompod.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nakapag-angat si Masangkay ng 217.5kg. -- 43kg. sa squat, 82.5kg. sa bench press, at 35kg sa deadlift, habang si Chashchhyna ay may total-242.5kg., kasunod sina Morrison at Ompod na may 227.5kg., at Volynskaia na 222.5kg.

May kabuuang 800 atleta mula sa 36 na bansa ang sasabak sa torneo kabilang ang world power Britain, Japan, France, Canada, Finland, Australia, Denmark, Norway, at New Zealand.

Lalaban din sina Leslie Evangelista na kakasa sa 47kg.-open category, at Jeremy Reign Bautista sa 52kg sub jr. division. (Angie Oredo)