cafe france copy

Naisalba ng Café France ang matikas na pakikihamok ng Racal para maitakas ang 83-79 panalo nitong Huwebes, sa PBA D-League sa JCSGO gym sa Quezon City.

Hataw si Rodrigue Ebondo sa 15 puntos at anim na rebound, habang kumana si Aaron Jeruta ng 12 puntos para sandigan ang ikalawang sunod na panalo ng Bakers.

“Hinabol nila kami. Nag-go small na and all-CEU kami, and the boys showed their character na ayaw magpatalo,” sambit ni CafeFrance coach Egay Macaraya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nailayo ni Jeruta ang iskor sa 80-76, may 47.6 segundo ang nalalabi. Naisalpak ni Philip Paniamogan ang three-pointer, ngunit nakabawi si Jeruta ng isang jumper para mapanatili ang tatlong puntos na bentahe.

Nabigo si Paniamogan na maipuwersa ang overtime at senelyuhan ni Mon Abundo ang panalo sa isang free throw sa huling dalawang segundo.

Iskor:

CafeFrace (83) — Ebondo 15, Jeruta 12, Zamar 10, Parala 9, Opiso 8, Villahermosa 8, Abundo 6, Cruz 6, Casino 5, Manlangit 4, De Leon 0.

Racal (79) — Paniamogan 24, Banal 13, Grey 10, Maiquez 7, Celiz 5, Robles 5, Gabawan 4, Javier 4, Ortuoste 3, Terso 3, Ruaya 1, Corpuz 0, McCarthy 0.

Quarterscores:

27-14; 38-27; 60-51; 83-79.