“Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo.”
Ito ang binitawang salita ni Fr. Jerome Secillano, kura paroko ng Nuestra Señora del Perpetuo Socorro Parish, hinggil sa pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte na plano niyang muling ipatupad ang parusang kamatayan sa mga kriminal.
“The issue of death penalty requires an enormous amount of judicial prudence because it involves life,” iginiit ni Secillano sa panayam.
“We recognize the prerogative and the right of the President to set the policies he wants implemented. It doesn't mean, however, that everything he wants is beneficial and should be accepted by the public,” dagdag niya.
Sinabi ni Secillano na bagamat madaling sabihin na hindi na dapat buhayin ang mga kriminal, paano kung ito ay biktima lamang ng palpak na hustisya sa bansa na may bahid ng kurapsiyon?
Aniya, mas makabubuti sa lahat ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa criminal justice system sa bansa upang maging pantay ang pagtrato sa lahat ng nahaharap sa kaso.
Mahalaga rin sa pagsugpo ng krimen ang epektibong pagpapatupad ng batas ng iba’t ibang law enforcement agency.
“Death penalty is imposed after the fact of committing a crime. What we need is a proactive law enforcement that will prevent crime,” aniya. (Leslie Ann G. Aquino)