Seryoso si outgoing Sarangani Rep. Manny Pacquiao na paghusayin ang kanyang paglilingkod sa publiko bilang bagong senador, na opisyal nang magsisimula sa loob ng tatlong linggo.

Dahil dito, sumailalim si Pacquiao at ang kanyang Senate staff sa “Executive Coaching Program” na pangangasiwaan ng mga eksperto mula sa iba’t ibang educational institution.

“The nine-day course program aims to brief the neophyte senator and his team with an overview of key issues in governance and nation building,” saad sa pahayag ng tanggapan ni Pacquiao.

“Experts in the fields of education, labor, health, economy, social service, and foreign relations will provide the team with facts and information from national to local level that may be vital in advancing the newly elected senator's legislative agenda,” dagdag pa.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Si Pacquiao, 37, ay isang retiradong boksingero na kumubra ng walong titulo sa record na walong division.

Tatlong sunod na taon nang hinirang na pinakamayaman sa Kamara, lumaki sa hirap at hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Pacquiao.

Nang magdesisyong pumasok sa pulitika, kumuha si Pacquiao ng isang high school equivalency exam noong Pebrero 2007 at naipasa niya ito, bago siya nag-enrol para sa isang college degree sa business management sa Notre Dame of Dadiangas University (NDDU) sa kanyang bayan sa General Santos City. (Ellson A. Quismorio)