TOKYO (Reuters) – Tinawag ng mga Japanese scientist ang nadiskubreng element 113—ang unang atomic element sa Asia, sa katunayan ay ang unang nadiskubre sa labas ng Europe o Amerika—na “nihonium”, isinunod sa pangalang Japanese ng bansa.
“I believe the fact that we, in Japan, found one of only 118 known atomic elements gives this discovery great meaning,” sabi ni Kosuke Morita, university professor na namuno sa discovery team mula sa RIKEN Nishina Center for Accelerator-Based Science.
“Another important meaning is that until now, all the elements in the periodic table have been discovered in Europe and the United States,” sinabi niya sa isang news conference nitong Huwebes.
Ang element 113 ay unang natagpuan noong 2004, at ang bilang ay tumutukoy sa atomic number nito, o ang bilang ng mga proton sa nucleus ng isang atom. Hindi ito natural na nakukuha, kundi kailangang i-synthesize.