NBA Finals Warriors Cavaliers Basketball

Warriors, nakaalpas sa Cleveland; umarya sa serye, 3-1.

CLEVELAND (AP) — Mamamatay at mabubuhay ang Golden State Warriors sa long distance shooting.

Natagpuan ng “Splash Brother” ang nawaglit na mahika sa long-range shooting sa krusyal na sitwasyon at sa tahanan ng matikas na karibal tungo sa impresibong 108-97 panalo nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Game Four ng best-of-seven NBA Finals.

Human-Interest

WFH employee, nagbigay-pugay sa supportive niyang ina: 'Dahil pala sa kaniya...'

Winasak ng Warriors ang basketball net ng Quicken Loan Arena sa naisalpak na NBA record 17 three-pointer, tampok ang pitong tres ni back-to-back MVP Stephen Curry para sa kabuuang 38 puntos at sandigan ang Golden State sa 3-1 abante sa serye.

Hataw din si Klay Thompson sa 25 puntos, kabilang ang apat na three-pointer , habang kumubra si Harrison Barnes ng 14 na puntos, tampok ang apat na tres.

Matapos maitala ang makasaysayang 73 panalo sa regular season, tatanghaling ikapitong koponan ang Golden State sa kasaysayan ng NBA na nagwagi ng back-to-back title sakaling maipanalo ang Game Five sa Lunes (Martes sa Manila), na gaganapin sa kanilang teirtoryo na Oracle Arena.

“Work’s not done, obviously,” sambit ni Curry.

“I’m glad I showed up a little bit, but we’re not done. We’ve still got some work to do,” aniya.

Malamya ang shooting ni Curry sa unang tatlong laro ng serye, higit sa Game Three kung saan nilapastangan sila ng Cavaliers sa 30 puntos na bentahe.

Ngunit, sa pagkakataong ito, ipinamalas nang tanging player na nagwagi ng MVP via unanimous, ang lupit ng kanyang mga kamay, sa kabila ng malapader na depensang inilatag sa kanya ni 6-foot-11 Christian Thompson.

Nanguna si Kyrie Irving sa Cavaliers sa natipang 34 na puntos, habang kumana si LeBron James ng 25 puntos, 13 rebound at siyam na assist. Ngunit, nagatamo ang tinaguriang “The King” ng pitong turnover.

Nagbalik laro si forward Kevin Love matapos ma-sideline sa Game Three bunsod ng isyu sa “concussion”, ngunit nakapag-ambag lamang ito ng 11 puntos.

Liyamado ang Cleveland na matikas sa home game sa playoff 8-0, subalit napigilan sila ng Warriors na makaiskor sa loob ng 6:36 sa final period na siyang sinamantala ng karibal para mapalobo ang bentahe sa double digit.

“A lot less breakdowns than what we had last game. We checked the 3-point line and it was just all-around communication, toughness and effort,” pahayag ni Curry.