Lionel copy

NEW YORK (AFP) – May mensahe sina Lionel Richie, Tom Petty at sa iba pang top-selling musicians para sa mga songwriter na nagsisimula pa lamang — sundin ang inyong creative instincts.

Pinarangalan ng Songwriters Hall of Fame ang mga artist nitong Huwebes ng gabi sa New York dinner na dinaluhan ng star performers ngunit, gaya ng behind-the-scenes role ng mga composer, mas simple ito kaysa sa mga music awards galas at walang live television coverage.

Ipinakilala ng Hall of Fame si Petty kasama ang disco titan na si Nile Rodgers at ang yumao niyang kapareha na siBernard Edwards, si English literary rocker na si Elvis Costello, ang soul legend na si Marvin Gaye at si Chip Taylor, na nagtanghal ng kanyang signature 50-year-old song Wild Thing kasama ang tatlo niyang apo.

Trending

Mister, gustong makitang nakikipagtalik ang misis niya sa iba

Si Richie — na sinalubong ni Jennifer Hudson, na umawit ng Still kasama ang kanyang bandang Commodores — ay tumanggap ng Hall of Fame’s most prestigious prize, na ipinagkakaloob sa mga songwriter bilang pagkilala sa kanilang mga awitin.

“This is the best night of my entire life as a songwriter,” pahayag ng 66 na taong gulang na si Richie, na nag-piano para itanghal ang kanyang 1984 hit na Hello.

Sa kabila ng tagumpay ng Hello, sinabi ni Richie na ayaw niyang kilalanin bilang isang balladeer.

“I developed into something that even I did not know who I was,” aniya. “All the songs that I created were the songs that they told me would ruin my career.”

Sinabihan din umano ni Richie ang music industry figures na, “Let’s stay out of the category business and get into the music business.”

Si Petty, ang Florida songwriter na nasa likod ng mga patok na awitin gaya ng American Girl, I Won’t Back Down,at Free Fallin’ ay nanawagan sa mga manonood na hikayatin ang mga bagong rakista, “to live out their dreams like I have mine.”

“Because one thing that we always had in the back of our mind was that this music, this art, is just this much more important than money,” ani Petty.