IKA-11 ngayon ng Hunyo. Bisperas ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng iniibig nating Pilipinas. Sa iba nating mga kababayan ay isang karaniwang araw ng Sabado. Ngunit para sa mga taga-Rizal, natatangi at mahalaga ang ika-11 ng Hunyo sapagkat ipinagdiriwang nila ang ika-115 anibersaryo ng Araw ng Lalawigan ng Rizal. Tulad ng mga nakalipas na selebrasyon, ang pagdiriwang ay pangungunahan nina Rizal Gov.

NiniYnares, Vice Gov. Frisco Popoy San Juan, Jr. at ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. Nakasentro ang selebrasyon sa paksang “Isang Lalawigan, Labing-apat na Bayan, Tungo sa Malinis at Ligtas na Pamayanan”.

Tampok na bahagi ng pagdiriwang ngayong Hunyo 11 ang “Anti-Pneumonia Vaccine for Senior Citizens”. Ayon kay Dr. Iluminado Victoria, provincial health officer, ang libreng bakuna laban sa pneumonia ay gagawin sa Rizal Provincial Hospital system sa Angono, Antipolo, Montalban, Pililla at Jalajala. Magsisimula ng 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon. Ang libreng bakuna kontra pneumonia sa mga senior citizen sa Rizal ay bahagi ng programa sa kalusugan ng pamahalaang panlalawigan na isa sa prayoridad sa pamamahala ni Gov. Nini Ynares bukod pa ang programa sa edukasyon

Kahapon, Hunyo 10, naging bahagi rin ng pagdiriwang ang “clean up drive” na nilahukan ng mga lokal na pamahalaan at pati na rin ang “tree planting” ng mga taga-DepEd-Rizal, DepEd-Antipolo, at ng mga empleyado ng Rizal Provincial Capitol.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ayon sa kasaysayan, mula noong 1901 hanggang dekada 70, isang premiere province ang lalawigan ng Rizal. Ngunit nang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar o Martial Law, ang 12 maunlad na bayan ang inagaw sa Rizal at isinama sa Metro Manila upang masunod ang kapritso ni Imelda Romualdez Marcos na maging gobernadora ng Metro Manila (National Capital Region).

Para mabigyang-halaga ang kasaysayan ng Rizal matapos agawan ng 12 maunlad na bayan, noong panahon ng diktaduryang Marcos, isang resolusyon ang iniharap sa Sanggunian Panlalawiga ni dating board member at provincial administrator Ver Esguerra. Ang resolusyon ay pinagtibay at nilagdaan ni dating Rizal Gov. Casimiro Ito Ynares, Jr. Hiniling sa tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas na ang Hunyo11 ay ideklarang Araw ng Lalawigan ng Rizal. Sa pamamagitan ng Proclamation No. 702 noong Nobyembre 28,1995, ipinahayag ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na mula 1996 ay ipagdiriwang ang Araw ng Lalawigan ng Rizal. (Clemen Bautista)