GUIMBA, Nueva Ecija - Isang 51-anyos na doktor at may-ari ng isang ospital ang umano’y pinagnakawan ng kanyang mga empleyado matapos umanong makipagsabwatan sa isang hindi nakilalang magnanakaw sa Barangay Sta. Veronica, habang nagbabakasyon siya sa ibang bansa.

Sa reklamo ni Dr. Rebecca Lopez sa pulisya, umalis sila ng kanyang asawa para magbakasyon sa abroad nitong Mayo 28 at sa pagbalik nila nitong Hunyo 8 ay natuklasan nila sa CCTV footages, kasunod ng pag-iimbentaryo, na nawawalan siya ng apat na sakong bigas, isang heavy-duty water pump, 10 bag ng semento, at iba pang mahahalagang gamit sa kanyang ospital.

Kinasuhan ng qualified theft sina Daruis Mina, security guard, ng Bgy. Pacac, Guimba; Orlando Cale, ng Bgy. Maturanoc; Nandy Bergonia, ng Bgy. San Roque; at Bienvenido Silvestre, ng Bgy. Saranay, pawang empleyado sa ospital ni Lopez. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito