BORACAY ISLAND - Isang 49-anyos na Briton ang tatangkaing languyin ang palibot ng isla ng Boracay sa Malay, Aklan, upang makalikom ng pondo para sa Philippine Red Cross-Boracay.

Ayon kay Richard Macartney, inaasahan niyang sa loob ng pitong oras ay matatapos niya ang 18.5-kilometrong paglangoy sa isla bukas, Araw ng Kalayaan.

Sinabi ni Macartney na maliban sa paglikom ng pondo, hangad niyang mamulat ang publiko tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng kabataan sa paglangoy, partikular ng mga Pinoy, dahil ang Pilipinas, aniya, ay napapaligran ng tubig bukod pa sa madalas nararanasan ang baha sa bansa.

Maliban sa mahabang oras ng paglangoy, inaasahan ni Macartney na magiging problema niya ang posibleng pag-atake ng jellyfish at ang lakas ng current ng tubig, dulot ng umiiral na habagat.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagpapasalamat naman si Macartney sa lokal na pamahalaan ng Malay sa pagbibigay sa kanya ng libreng special permit para sa isasagawa niyang fund-raising event sa Boracay. (Jun N. Aguirre)