Dahil karaniwan nang may apat na tao ang nangangailangang masalinan ng dugo sa anumang ospital kada buwan, muling hinihikayat ang publiko na makibahagi sa World Blood Donation Day ngayong taon.
“Giving blood is giving the most precious gift to another person: the gift that will extend the life of the sick while at the same time, re-invigorate the giver. We do not lose blood when we give because as we donate blood, we re-fill our bodies with new and fresher blood,” paliwanag ni Health Assistant Secretary ng Office for Health Regulation Paulyn Jean B. Rosell-Ubial.
Isasagawa ngayong Sabado, Hunyo 11, ng Philippine Blood Center (PBC) ng Department of Health (DoH), sa pakikipagtulungan ng TV5 Alagang Kapatid Foundation, ang taunang World Blood Donor Day. Isasagawa ang event simula 10:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi sa Fishermall sa Quezon City.
Kaugnay nito, sinabi ni Paul Vincent C. Santos, nurse mula sa PBC, na sa pamamagitan ng proseso ay titiyakin nila ang kaligtasan ng ido-donate na dugo. (Charina Clarisse L. Echaluce)