Nagpaalala kahapon ang Philippine National Police-Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG) sa publiko kung paano maiiwasan ang identity theft sa online matapos mabiktima ang mag-asawang celebrity na sina Maricel Laxa Pangilinan at Anthony Pangilinan.

Ipinayo ni PNP-ACG director Senior Supt. Guillermo Eleazar, ang mga sumusunod para makaiwas sa identity theft:

Subaybayan ang mga aktibidad sa online account at huwag maglagay ng personal information sa social media. Umiwas sa sensitibong online transaction at huwag mag-surf sa web habang ina-access ang online banking accounts. Maglagay ng anti-virus program at firewall sa computer at mag-update ng software. Ihiwalay ang password sa online banking at non banking accounts. Gumamit ng kumplikadong na email password at regular itong palitan at huwag buksan ang unknown email at attachments na posibleng naglalaman ng malware. (Fer Taboy)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'