CAPAS, Tarlac – Nagharap ng reklamo sa pulisya ang dalawang tauhan ng Tarlac Electric Cooperative II matapos silang habulin umano ng saksak ng may-ari ng bahay na kanilang pinutulan ng kuryente sa Barangay Sto. Domingo 2nd, Capas, Tarlac.

Labis ang naging takot ng dalawang line disconnector ng kooperatiba na sina Aljhon Gabriel, 26, may asawa, ng Purok 2, Bgy. Macalong, La Paz; at Ivan Galang, 22, ng Bgy. Cristo Rey, Capas, Tarlac.

Ayon kay PO3 Arthur Alzadon, dakong 9:30 ng umaga nitong Miyerkules nang puntahan nina Gabriel at Galang ang bahay ni Remigio De Luna, 55, sa Bgy. Sto. Domingo 2nd sa Capas dahil hindi pa ito nakababayad ng electric bill, kaya pinutol nila ang linya nito at inalis ang metro.

Napag-alaman na habang nag-iinspeksiyon ang dalawa sa ilang bahay sa Bgy. Dolores ay dumating si De Luna na lulan sa sasakyan at hinabol ng bitbit na jungle knife sina Gabriel at Galang. (Leandro Alborote)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente