IPINANGAKO ni President-elect Rodrigo Duterte na pabababain niya ang buwis, aalisin ang contractualization, at magtatayo ng karagdagang imprastruktura.

Oras na para magkaroon ng hustisya sa buwis at trabaho. Pati na rin ang inclusive growth sa tamang paggastos ng gobyerno.

Ayon kay incoming Finance Minister Carlos Dominguez, bukas ang administrasyong Duterte sa pagbabago at reporma gaya ng pagpapababa ng buwis, ang contractualization, at ang pagpapalawak ng mga imprastruktura sa bansa.

Nang mapag-usapan ang taxation, sinabi ni Dominguez na pinagtutuunan niya ang pagpapalawak ng nasasakupan ng buwis.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mas maraming taxpayer at makabuluhang buwis, pahayag niya sa Reuters.

Sinabi ni Dominguez na ang income tax rate para sa mga indibiduwal at kumpanya ay nararapat na mahati sa “mid-20s” percent mula sa kasalukuyang 32 percent.

“Almost half of your (income goes to) the government. You think that’s smart? I don’t think so,” sambit ng finance chief ni Duterte.

Idinagdag pa ni Dominguez na ang mga bagong buwis ay maaaring ilagay sa mga “unhealthy products,” bukod pa sa sigarilyo at alak.

At makakawala na ang BIR at BOC mula sa kurapsiyon ayon na rin sa pag-uutos ni Duterte, dagdag pa ni Dominguez.

Gayundin, sinabi ni Dominguez na ang contractualization sa malalaking kumpanya sa Pilipinas ay sisiyasatin at ipatitigil.

Masosolusyunan na ang pinakamalaking problema ng Pilipinas pagdating sa hanapbuhay, pangako ni Dominguez.

“Our administration is not in favor of a system where people cannot plan their lives, cannot say whether or not they can send their kids to school after six months,” sambit ni Dominguez.

Mas maraming oportunidad para sa mga empleyado na maging regular kaysa “endo”.

Idinagdag din ni Dominguez na ang papalagong imprastruktura ay sasabayan ng pagpapaunlad sa iba pang serbisyo, kasabay ng kampanya laban sa kurapsiyon at kriminalidad.

Sa naging pahayag na ito ni Dominguez, umaasa ang mga Pilipino sa mas mababang buwis, pagpapatigil sa contractualization, at pagpapatayo ng mas maraming imprastruktura sa mga susunod na araw. (Fred M. Lobo)