Dinagsa ng kabataang atleta ang ginanap na 3rd Philippine Open Memory Championship kamakailan sa Far Eastern University gymnasium sa Morayta, Manila.

Ang dalawang araw na kompetisyon na inorganisa ng Philippine Mind Sports Association (PMSA) ay nagtatampok sa galing at husay sa memory skills sa 10 memory disciplines.

Pinaglabanan ang mga kategorya na pagmemorya sa set of random words, numbers, dates, abstract images, at shuffled decks of cards kung saan kailangan ng mga ito na matandaan ang eksaktong ayos sa bawat puwesto.

Nangibabaw ang 11-anyos na si Jan Jelo Juanir ng Valenzuela City na nagwagi ng 10 gintong medalya at tinanghal na overall champion sa Kids Division na may 2,590 championship point.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ang 14-anyos na si Jamyla Lambunao ng Marikina City ang nagwagi bilang overall champion sa Juniors Division sa ikatlong sunod na taon. Si Lambunao, tangan ang International Master, ay may kabuuang 4,695 puntos, kumpara sa ikalawa at ikatlo na nakakuha ng 2,845 at 2,497.

Nagwagi sa Adults Division si Grandmaster Erwin Balines, 28, mula sa Mandaluyong Cit. Naitala niya 4,973 puntos kontra sa pinakamahigpit na karibal na si Grandmaster Mark Anthony Castaneda (4,946).

“I am very happy to see the sports growing in the country. New memory athletes participated in the event coming from diverse locations in the Philippines”, sambit ni Anne Bernadette Bonita, World Memory Sports Council accredited Level 2 Arbiter na nag-organisa at namahala sa programa. (Angie Oredo)