IPINAKILALA sa presscon para sa 17th anniversary celebration ng Knowledge Channel ang mga host ng kanilang bagong programs na sina Enchong Dee, Joi at Jai Agpangan, Igi Boy Flores, Vic Robinson lll at Robi Domingo na lahat umamin na talagang nanonood sila ng mga programa sa nasabing channel simula mga bata pa sila.

Kaya napakasaya nila nang kunin silang hosts, na sabi nga ni Ms. Rina Lopez-Bautista, mga authentic sila kaya bagay sa programa. 

Si Ms. Rina ang Knowledge Channel executive director, at aniya, “Ipinapakita rin sa dalawang bagong shows na MathDali at AgriCOOLture na tungkulin na lumikha ng magagandang programa na makakatulong sa ating mga mag-aaral.

Layunin namin na mapagyaman ang kaalaman ng bawat mag-aaral na Pinoy.”  

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Mapapanood ang MathDali sa Mathematics block ng KC for Grade 4 tuwing Martes, Huwebes, Sabado at Linggo (10 AM at 1:20 PM) at ang AgriCOOLture ay mapapanood naman tuwing Martes, Huwebes at Sabado (11:40 a.m. at 4 p.m.).

Ipinapalabas ang Knowledge Channel sa SKYCable, SKYDirect, Destiny Cable at ABS-CBN TV Plus.  

Speaking of Enchong, inamin niyang nasa kanya ang problema kaya sila nagkahiwalay ng girlfriend niyang si Samantha Lewis.  

“Sabi ko siguro karamihan ng factors na ‘yon ay sa akin. Sa akin ‘yung problema, kasama na ‘yung trabaho doon.  

“Hindi mo naman puwedeng tanggalin basta-basta ang taong minahal mo, kahit paano nandu’n pa rin ‘yung feelings,” sabi ng TV host/actor.  

Mahigit dalawang taong hindi naging aktibo si Enchong sa showbiz at ito rin ‘yung mga panahong ‘sila’ pa ni Sam bagay na hindi naman niya pinagsisihan dahil sarili niyang desisyon na magpahinga muna, pero napasobra naman na yata, ha-ha-ha. 

Kaya naman siniguro ng binatang aktor na sa kanyang pagbabalik showbiz ay hahabulin niya ang mga panahong nawala siya at sinadya niyang maging pula lahat ang kalendaryo niya para mabilis ang pagmo-move on na nangyari naman.  

Sabi nga ni Enchong, nagpapasalamat siya dahil sunud-sunod ang proyekto niya ngayon kaya bisi-bisihan na uli siya.

(REGGEE BONOAN)