gilas copy

Ang hindi naipahayag ng personal ay idinaan na lamang sa mensahe sa Twitter ni Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio.

Matapos ang masinsinang pakikipag-usap sa Gilas coaching staff, sa pangunguna ni coach Tad Baldwin, napili ang 14-man line-up ng Gilas na sasabak sa Manila Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa Hulyo 5-10, sa MOA Arena.

Kabilang sa napiling sasabak sa pinakamalaking torneo ay sina Jayson Castro, June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Japeth Aguilar, LA Tenorio, Marc Pingris, Calvin Abueva, Terrence Romeo, Bobby Ray Parks, Ryan Reyes, Ranidel de Ocampo, Troy Rosario, Jeff Chan, at naturalized player na si Andray Blatche.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Hindi nakasama si Marcio Lassiter matapos magkaroon ng karamdaman, gayundin sina collegiate star Kiefer Ravena at naturalized Mo Tautua.

Nakatakdang tumulak patungong Italy ang Gilas para magsanay at maghanda sa kanilang kampanya sa OQT kung saan nakalaan ang slot para sa Rio Games.

Iginiit naman ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Manny Pangilinan na kakailanganin pa rin ang ayuda ng PBA sa kabila ng muling pagbuhay sa Gilas Cadet program.

“It’s possible that the final configuration could include several PBA players, say in the finals of the World Cup in 2019. So we are not ruling that out,” pahayag ni Pangilinan.

Ang Gilas Cadet program ay nakatuon sa pagbuo ng isang solidong koponan na makapagsasanay at makapaglalaro sa buong taon at sasabak sa international tournament na hindi na makikiusap sa PBA para mag-adjust ang liga ng kanilang kalendaryo.

Nauna nang nilinaw ni SBP vice chairman Ricky Vargas na ang pagbabalik sa Cadet program ay dala na rin ng pangangailangan na makasabay sa bagong kalendaryo ng FIBA para sa qualifying tournament ng

2019 World Cup.

“In any event, I think the details of how the program will be implemented will have to be coordinated with Commissioner Narvasa to ensure that it is working in collaboration with the PBA,” sambit ni Pangilinan.

(marivic awitan)