Hunyo 10, 1752 nang maikabit ni Benjamin Franklin ang electric charge sa isang Leyden jar matapos magpalipad ng saranggola habang bumabagyo. Matapos iyon ay ipinakita niya ang electrical nature ng kidlat sa panahong hindi pa nadidiskubre ang kuryente. Nakakonekta ang saranggola sa isang susi at silk ribbon.

Gumamit si Franklin ng iba’t ibang terminong may kinalaman sa elektrisidad, gaya ng “battery”, “conductor”, at “positively”, at binuo ang mga unang disenyo ng baterya.

Bago ito, nalampasan niya ang iba’t ibang “self-inflicted” electric shocks. Noong kalagitnaan ng 1740s, sinimulan niya ang pagsasagawa ng electrical experiments sa loob ng halos 10 taon.

Inimbento rin ni Franklin ang lightning rod, na magpoprotekta sa mga gusali at barko laban sa kidlat. Kinilala rin siya bilang isa sa mga founding father ng Amerika.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'