stretching-mistakes

Nalalamangan ng mga lalaki ang kababaihan pagdating sa pag-eehersisyo at sports medicine research, ayon sa isang editorial.

Isa sa mga posibleng dahilan ang menstrual period: “The complexities of the menstrual cycle are considered major barriers to [women’s] inclusion in clinical trials,” ayon sa mga author ng editorial, na eksperto sa Europe at United States, na inilathala nitong Hunyo 6 sa British Journal of Sports Medicine.

Wala pang isinasagawang pananaliksik kaugnay sa epekto ng menstrual period sa pag-eehersisyo, ayon kay Georgie Bruinvels, division of surgery and interventional science doctoral student, sa University College London at lead author ng editorial.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Nang isagawa ang pag-aaral sa mga babaeng nag-eehersisyo, ito ay limitado lamang.

“Women athletes have to compete at all phases of their menstrual cycles, yet currently only a snapshot of time is being researched,” pahayag ni Bruinvels sa Live Science.

Kinakailangan pang pag-ibayuhin ang pananaliksik upang matukoy kung paano nakaaapekto ang cyclical variations sa reproductive hormones ng bababe sa physiological processes at athletic performance nito, aniya.

Gender gap

Sa naunang pag-aaral, napag-alaman na may gender gap pagdating sa medicine research. Sa pag-aaral na iyon, pinagbatayan ng mga researcher ang mga pag-aaral na nailathala sa tatlong major medicine journal sa pagitan ng 2011 at 2013, at 39 na porsiyento ng mga partisipante ay babae, at 61 porsiyento mga lalaki, ayon sa findings na nailathala sa European Journal of Sport Science noong 2014.  

Ang mga dahilan ng gender gap na ito ay hindi pa malinaw. Sa kasaysayan, ang lahat ng klase ng medical research — kabilang na ang drug trials — ay karaniwang isinasagawa sa kalalakihan dahil sa posibleng epekto sa reproductive health ng mga babae, ayon kay Bruinvels.

“The menstrual cycle is a natural process, yet it is seen as a ‘taboo’ subject,” sambit ni Bruinvels.

(LiveScience.com)