Mga laro bukas

(Rizal Memorial Baseball Field)

8 n.u. -- Unicorns vs DLSU

10 n.u. -- hunderz vs ADMU

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Pinatalsik ng nagtatanggol na kampeong Philippine Air Force ang University of Santo Tomas, 5-1,sa quarter-final para patatagin ang kampanya sa ikalimang sunod na korona sa PSC Commissioner’s Baseball Cup sa Rizal Memorial Baseball Field.

Sinandigan ang Airmen ng mga pitcher na sina Romeo Jasmin, Xavier Macrohon at Junjun Robles sa loob ng siyam na inning matapos limitahan sa isang run ang karibal para makausad sa Final Four.

Pumukol si Jasmin sa loob ng 2 ½ inning, kontra sa 21 batter kung saan nagbigay lamang ng isang run, walong hit at limang strike-out.

Kumana naman si Macrohon laban sa 11 batter.

Tinapos naman ni Robles ang laro para sa Airmen sa pagreretiro sa 17 batter sa pagpukol sa no run, no hit na may 2 strikeout sa huling 2 ½ inning.

Umiskor din sa 2-time PSC Chairman’s Cup at 2-time PSC Commissioner’s Cup champion sina Jerome Bacarisas at Edmer Del Socorro na may tig-isang earned run sa ikatlong yugto, bago itinala ni Jenard Pareja ang kabuuan nitong tatlong run sa 4th, 6th at 8th inning.

Tanging si Julius Diaz lamang ang nakaiskor para sa Growling Tigers. (Angie Oredo)