Maaaring si world boxing champ at Senator-elect Manny Pacquiao ang nag-iisang bilyonaryo sa Kamara de Representantes, subalit malaki pa rin ang kanyang agwat sa kanyang mga kabaro bilang pinakamayamang kongresista.

Base sa kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para sa taong 2015, dumoble na ang kanyang networth sa P3.26 bilyon mula sa P1.6 bilyon noong 2014.

Matatandaan na limpak-limpak na salapi ang kinubra ng 37-anyos na si Pacquiao sa kanyang laban kay American boxer Floyd Mayweather Jr. noong Mayo 2015 kung saan kumita ang Pinoy na boksingero ng $150 million o halos P7 bilyon.

Idineklara ni Pacquiao, na umano’y may-ari ng pitong magagarang bahay, kabilang ang isang mansiyon sa General Santos City at isa pa sa Beverly Hills, California, ang P1.7 bilyong halaga ng personal properties at P1.65 bilyon sa real property.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Aabot naman sa P97 bilyon ang kanyang idineklarang liabilities sa 2015.

Nitong nakaraang tatlong taon, nangunguna si Pacquiao sa listahan ng mga pinakamayamang miyembro ng Kamara.

Nakatakda nang manungkulan bilang senador sa Hunyo 30, si Pacquiao rin ang nag-iisang bilyonaryo sa hanay ng 300 miyembro ng Kamara noong 2015. (Ellson A. Quismorio)