SAN JOSE, Batangas - Sugatan ang isang barangay tanod matapos barilin ng riding-in-tandem habang naka-duty sa San Jose, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Aran Mirales, 38, tanod , ng Sitio Putol, Barangay Taysan, San Jose.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 12:15 ng hatinggabi nitong Martes at naka-duty ang biktima nang barilin ng mga suspek bago tumakas.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril at pinaghahanap ang mga suspek. (Lyka Manalo)

Probinsya

Coast Guard working dog, sinaluduhan sa paghanap sa isa sa mga katawan sa Binaliw landslide